作者:STORYBOOM

类别:Other Genres Fantasy

字数:6.4万连载中

评论:234条 查看评论

Sa mundong ito normal ang pagpasok sa dungeon para lumakas at makaligtas. Kailangan mong pumatay ng halimaw magtiis sa hirap at dahan dahan mag level up hanggang maging sapat ang lakas mo. Para sa karamihan inaabot ito ng ilang taon at may iba pa na buong buhay na ang ginugol pero hindi pa rin sapat ang kanilang lakas. Pero para sa akin iba ang nangyari dahil sa bawat laban ko sa loob ng dungeon masyado akong mabilis lumakas na parang walang limit ang pagtaas ng level ko. Habang ang iba hirap na hirap sa isang halimaw ako naman ay parang naglalakad lang at sa bawat laban tumataas agad ang level ko at lalo pa itong bumibilis habang tumatagal. Noong una akala ko normal lang ang lahat at hindi ko ito pinansin pero hindi nagtagal napansin na rin ito ng iba at nagsimula silang magduda. Sa bawat dungeon na pinapasukan ko may mga matang nakatingin at may mga bulungan sa likod ko hanggang sa kumalat ang usapan at iisa na lang ang sinasabi nila na ako ay nandadaya. Para sa kanila imposible ang ginagawa ko at walang normal na tao ang kayang mag level up nang ganito kabilis kaya tinawag nila akong cheater. Sa una wala akong pakialam at tinuloy ko lang ang ginagawa ko dahil ang mahalaga sa akin ay patuloy akong lumalakas pero habang tumatagal hindi na lang ito simpleng usapan dahil may mga taong nagsimulang bantayan ako at may ilan na gustong patunayan na mali ako. Nakakatawa lang dahil hindi nila alam ang totoo dahil wala akong ginagamit na cheat at wala akong nilalabag na rules mas mabilis lang talaga ako at habang abala silang husgahan ako hindi nila napapansin na unti unti na akong lumalayo sa kanila hanggang sa dumating ang araw na hindi na nila ako kayang abutin.

展开

最新评论

查看全部评论(共0条)

猜你喜欢